Sa kursong ito, matututunan mo "Ang madalas o karaniwang dahilan ng tao kung bakit sila nabibigo sa kanilang layuning sa pagbabawas ng timbang".
Magagawa mo ring masuri na ang karamihan sa kanilang mga kadahilanan ay bunga ng kanilang LIMITING BELIEF o limitadong paniniwala sa kanilang kakayahan, o marahil sa kanilang BEHAVIORS o mga pag-uugali at higit sa lahat dahilan sa kanilang HABITS o mga nakagawian sa kanilang buhay.
Matutuklasan mo rin ang ILAN sa aking mga SIKRETO kung paano ko nadiskubre ang sistemang ito na totoong napaka bisa hango sa MGA PRINSIPYO NG AGHAM, at ESTRATEHIYA AT KARUNUNGAN ng mga EKSPERTO sa larangang ito.
Ito ay kinalap sa MATAGAL NA PANAHON NG PAG-AARAL at PANANALIKSIK, PAGSUSULIT, APPLICATION at EVALUATION sa mga bagay-bagay bago magawa ang kursong ito, upang matiyak na ang nilalaman ng kursong ito ay totoo at napaka epektibo.
ANG MGA LAYUNIN
Ang pangunahing layunin ng kursong ito ay upang matulungan kang magbawas ng timbang nang epektibo at permanente, magkaroon ka ng kumpiyansa sa sarili, mabawi ang iyong lakas, maging kaakit-akit sayong kapwa, magkaroon ng malusog na pangangatawan at mabuhay nang mas matagal, at malayo sa karamdaman kasama ng iyong mga mahal sa buhay.
Anuman ang iyong mga layunin, pangarap at mga mithiin sa pagpapapayat, tutulungan ka ng kursong ito na makamit ang iyong pinakananais sa puso sa pamamagitan ng pagsunod sa mga napatunayang pamamaraang pang-agham at pag-uugali sa kursong ito na higit sa aklat ay akma sa iyong pamumuhay.
Your greatest why, your dreams, and your goals are PRICELESS, at Ikaw lang ang nakakaalam ng tunay na halaga sa pagkamit ng iyong mga pangarap na nauukol sa iyong kalusugan.
Welcome to the course!